Una’t huli.

Walang wakas na walang simula.
Walang umaga na walang gabi.
Wala na ang galak tulad ng dati.
Wala nang oras ngumiti.

Pinili nyong Lumayo.
Pinili kong lumiko.
Hindi na pwede sabi nyo
Masakit ngunit tatanggapin ko.

Narating na nga ang dulo.
Gusali’y tuluyan nang gumuho.
Pagsasamahang saglit na nabuo.
Eto tayo, mag-iiiba ng mundo.

Hindi ko ginusto ito.
Sana’t ganon din kayo.
Ngunit tadhana na ang gumuhit ng daan
Pauwi sa direksyong iba sa ating nilalarakaran.

Paalam sa mga ngiting pinanday ng kapatiran.
Patawad sapagkat ako ngayo’y lilisan.
subalit baunin aking liham.
Ako’y mananating dati
Lukso ng pagkakaibigan pa rin ang maghahari.

Daraan ang mga buwan.
Lilipas ang mga araw.
Paglimot ng sawi.
Pagtanggap ang mamumutawi.

Ang dati’y marahil makakalimutan.
Ilang ala ala’y baka sakali’y matakpan.
Ngunit salamat.
Dahil minsan tayo ay naging tunay na magkakaibigan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s