BJMP-MUNTI

Preso sa gitna ng mapaglarong emosyon
Bilanggong nakakulong sa sarili nitong mga tanong
Bakit nga ba?
Pakisagot nang maliwanagan na

Akala koy malaya na ako noong ako’y makaisip lumayo
Nilamon na damdamin at pagkalito
Di alam kung bakit may nag-udyok na lumiko
Tinahak ang daang taliwas sa dating hinahayo

Tuloy ang pagbayo ng mga katanungan
Bakit umabot ako, tayo sa mapait na paglisan
Tila isang asin na inalisan ng kaalatan
Bigla nalang nabali, dating sumpaan

Anumang pagtalikod ay hirap magawa
Tumatakbo ngunit sa kabilang pader lang lalapag
Sarado ang rehas wala niisang bintana
Walang liwanag, walang pag-asa.

Lulubog ang haring araw
Mga dating ngiti’y naagawan na ng liwanag
Hanggang ngayoy nilalamon pa rin ako ng mga aninong hanggang ngayon nandyan
Mga anino ng lungkot, ng pagkagahaman, ng minsan nyong paglimot.

Nakagapos parin ang aking mga kamay sa dating tayo
Mga bakal na rehas na puno ng mga alaalang kinalawang na ng kahapon
Naisin ko mang kumawala ngunit hindi pa rin magawa
Puso’t isip ko’y ayaw nang lumaya.

Isa nga bang kasalanan ang piliting ang sariling makalimot
Na sa pagkakataong itoy piliing magdamot
At tila kay pait nga ng pagkakataon
Sa kabila ng pag urong ay patuloy parin palang makukulong.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s